ss_blog_claim=ed60a465b6de920da83923500be62c70 butchoy rocks: October 2006

Monday, October 23, 2006

Abandonado

Panahong nagdaan
mga salitang binitiwan
mga pangakong nilaan
nasan na napunta?

Pag-ibig na walang hanggan
ang ating sumpaan

Maari bang balikan?
ang ating nakaraan

Hindi ko kaya ang mag-isa
Hinahanap parati ka

Walang laman ang isip ko
kundi alaala mo

Mahal pa din kita
kahit wala ka na

Bakit pa kailangang lumisan?
Bakit pa kailangang may masaktan?
Bakit kailangang lumayo ka?
Hindi ba pwedeng nandito ka lang?